Pages

Thursday, 4 November 2010

Gaya-gaya Puto maya daw ang mga Iglesia ni Cristo, totoo kaya?

Deny to death ang mga ministro ng Iglesia ni Manalo at trying hard naman ang mga alipores nito kapag ang pinag-uusapan ay patungkol sa alegasyong copy cat daw ang Iglesia ni Cristo.

Ayon sa Felix Manalo and the Mormons sa blog na http://pasugo-1914.blogspot.com/2008/09/felix-manalo-and-mormons.html na napulot ko sa kase-search ng kanilang patulis na bahay-dalanginan may mga Mormon missionaries daw ang nagulat sa mistulang pagkakapareho ng kanilang templo sa templo ng mga Mornons. 

Ayon sa nasabing blog ang mga sumusunod ay mga copy-cat ng mga Iglesia ni Cristo sa mga Mormons:
  1. Architectural Design ng kanilang templo
  2. Pagkakaroon ng Ibong Mandaragit na nakaukit sa kanilang mga templo sa Central
  3. Ang katuruang Huling Propeta ni Joseph Smith at Huling Sugo naman kay Felix Manalo
  4. Lubos na pagkawala o pagkalipol ng tunay na Iglesiang tatag ni Cristo o Total Apostasy
  5. Si Smith at Manalo raw ay parehong hinulaan sa Biblia.
Ayon naman sa mga usap-usapang kanto, ang logo pala ng Iglesia ni Cristo ay puno ng mga simbolo.  Ayon sa isang blog na sinulat ng isang blog ng nagpakilalang Katoliko dito sa http://monkshobbit.wordpress.com/2009/09/04/iglesia-ni-cristo-inc-logo-christian-or-masonic-symbol/, ang kanilang logo ay copy-cat din.

Ito ang paglalahad ng nasabing blog kung ano ang pagpapakilanlan ng logo ng Iglesia ni Cristo.
  1. Ang interlaced square at compass ay nangangahulugan ng Freemasonry http://en.wikipedia.org/wiki/Freemasonry
  2. Ang koronang nasa gitna ay ngangahulugan ng Order of Amaranth, isang kapatiran ng mga master masons at ng kani-kanilang mga babaeng kaanib.  http://en.wikipedia.org/wiki/Order_of_the_Amaranth
  3. Ang compass, baliktad na tatsulok, at ang mga paa nito ay nangangaahulugan ng Order of the Eastern Star http://en.wikipedia.org/wiki/Order_of_the_Eastern_Star
  4. Ang mga aninag ng liwanag at ang backgroudn nito ay nangangahulugan ng dios na araw. http://en.wikipedia.org/wiki/Sun_God_Festival
  5. Ang kaliskis ng hustisya ay nangangahulugan ng Scales of Maat, isang diyus-diyusan sa Ehipto. Naniniwala ang mga Ehipsiyo na ang diyus-diyusan na ito ay dios ng karununga, katiwasayan at hustisya http://en.wikipedia.org/wiki/Maat
  6. Ang Biblia na napapaloob sa tatsulok at ng compass ay nangangahulugan ng paggamit ng biblia ng mga mason sa kanilang panunumpa bilang kaanig ng masonry. 
  7. Ang kalapati at kulay puti ay nangangahulugan ng busilak na puso at kawalang-malay, hango na rin sa mga katangiang iniaaral ng mga Katoliko sa kanilang doktrina. 
  8. Ang pula naman ay nangangahulugan ng katapangan, dugo o kaya'y Royal Arch Masonry http://en.wikipedia.org/wiki/Order_of_Mark_Master_Masons
  9. Ang kulay berde naman ay nangangahulugan ng spiritual initiation upang maging high mysteries of life and god
  10. Ang asul naman ay gumugunita sa dome of the heavens na nangangahulugan ng universal brotherhood and friendship
  11. Ang pabaliktad na tatsulok ay tumutoro sa ika-22 sinag na maaaring nagsi-simbulo ng ika-22 degree mason-Knight ng the Royal Axe. http://freemasonry101.org.uk/the_book/323-22nd_degree/22nd_degree.htm
Sa loob naman ng kanilang kapilya ang paghihiwalay ng babae sa lalaki ay hindi orihinal na konsepto ng Iglesia ni Cristo. Ito'y nagmula sa mga Muslim.  Sa loob ng mga mosque ang mga babae ay mahigpit na pinagbabawalang makihalubilo sa mga lalaki. Wala naman tayong makukuhang katibayan na si Ka Felix Manalo ay umanib din sa Islam. Kung sakaling ganon ay maaari nating isping dito niya kinopya ang konseptong ito. Sa katunayan ang konsepto ng paghihiwalay ng babae sa lalaki ay hindi maka-Kristiano dahil ang sabi ni Apostol Pablo sa aklat ng Galacia 3:28  na wala ng alipin, wala ng Griego at wala ng Hentil, wala ng babae o lalaki, lahat ay pantay-pantay sa mata ng Dios. Marahil sa mata ni Ka Felix Manalo nanaig pa rin ang pagtingin niya sa mga kababaihan ng may pagnanasa.  Ito rin kasi ang kanyang ikinatisod at napagsamantalahan niya si Rosita Trillanes at ng iba pang mga kababaihan sa kanyang kulto.
http://emilyjordan.wordpress.com/2009/03/05/felix-manalo-rapist-of-his-members-and-his-ministers-wives/

So ano kaya ang ipinagmamalaki ng mga kaanib ng Iglesia ni Manalo?  Ang isang copy-cat na aral o gusali o logo at maging mga tradisyon ay hindi dapat ipagmalaki kundi dapat ikinahihiya ito. Marahil ito nga ang dahilan kung bakit hindi talaga ako tumagal sa isang samahan na walang originality.

Monday, 1 November 2010

Maligayang Kaarawan kay Eduardo Manalo ng Iglesia ni Cristo

Kaarawan pala ni K Eduardo today. Salamat na lamang at naalala ko ang araw na ito mula sa blog entry na may pamagat na

Happy Birthday to Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo V. Manalo

Dito nakikita sa http://manilabalita.blogspot.com/2010/10/happy-birthday-to-iglesia-ni-cristo.html. Bahala na kayong mag-click sa link na 'yan.

Laking gulat ko na apo pala ni Ka Felix Manalo si Dorothy Manalo na kamakailan ay nabalitaang sumemplang sa Bar Exams. At dahil nga sa bumagsak nga itong apo ni Ka Felix Manalo sa di alam na  kadahilanan kaya't ginamit ng mga Manalo ang kanilang impluwensiya pero semplang din sila sa kanilang request sa Sandigan Bayan.

Isa pang balita. Gumagamit pala ng palakasan system itong mga nasa poder ng Iglesia ni Cristo. Biruin niyo yung mamamatay tao palang kamag-anak ng asawa ni Ka Erdy ay trying hard pa silang pagtakpan ito.  Heto 'yung link ng balitang yan: http://www.manilastandardtoday.com/2007/oct/29/business5.htm. Bahala na rin kayong mag-clik ng link na 'yan.

Ito na muna ang aking paunang blog kasi baguhan pa lamang ako dito.


Ang galing nga ng pagkakataon ano? Biruin mo habang ang mga pagano ay nagdiriwang ng Halloween saka isinilang si Ka Eduardo, na anak ni Ka Eraño na anak mismo ni Ka Felix Manalo sa kanyang pangalawang asawa. What a coincidence ano po?

Binabati ko lahat ng mga dati kong kasama sa kulto. Pakibati na lamang ako kay Ka Eduardo sa kanyang kaarawan. Wish ko lang na gumanda pa ang career na minana mo kay Ka Felix. Dahil siguradong darami pa ang maidadagdag sa inyong kaban.

Friday, 6 August 2010

Manalo ba o Ysagun?

Kailangang mapanuri di ba?

Alam niyo ba kung sino ang mga magulang ni Ka Felix Manalo? Nabanggit ba ng mga Ministro ng Iglesia ni Cristo kung anong pangalan at relihiyon ng mga magulang ng sugo? Eh 'yung mga kamag-anakan ng sugo naging Iglesia ba sila?  At marahil kapag nalaman niyong hindi nga sila kaanib ng Iglesia ng sugo ay magugulat kayo sa isa pang katotohanan na marahil ay hindi sasabihin sa inyo ng mga Ministro.

Ang mga magulang ni Ka Felix ay ang mga sumusunod: Ama : Mariano Ysagun; Ina: Bonifacia Manalo.  Natural dapat ang pangalan ng Sugo ay Felix M. Ysagun dahil ang apelyido ng kanyang ama ang dapat na masusunod sa pagpaparehistro ng pangalan niya.  Samakatuwid baga'y hayagang inalipusta ng sugo ang kanyang ama sa pagpapalit nito ng kanyang pangalan bilang Manalo at hindi Ysagun.

Tanong pa rin, Iglesia ba sila? Malayong hindi dahil ang sugo ay hindi pa sinusugo noong mamatay ang kaniyang mga Katolikong magulang. Eh yung mga kamag-anakan ng sugo, naging kaanib ba sila? Never.  At hindi ito binabanggit sa kahit anong talambuhay ng sugo dahil isang kahiya-hiyang katototohan ito sa buhay ng sugo kung bakit wala man lang sa kaniyang mga kadugo ang umanib sa kanyang kulto. 

Kung ganon bakit naman Manalo ang apelyido ni Ka Felix at hindi Ysagun ayon sa apelyido ng kanyang ama? Abah! Malay  natin. Siguro may lihim na galit itong sugo sa kanyang ama. O kaya'y may alitan sa pagitan ng sugo at ng kanyang ama. Dahil walang mabuting anak ang magtatakwil ng apelyido ng kanyang ina liban na lamang kung totoo ang aking pinaghihinalaan sa sugo.

Sabihin na natin na may galit nga ang sugo sa kanyang ama at ito ang naging dahilan ng kanyang pagpapalit ng apelyido. Ano kaya ang dahilan at magkakaroon ng hidwaan ang mag-ama? Marahil at hindi ko naman sinasabing may katibayan ako rito pero marahil nga ang sugo ay isang suwail at mapanibughong anak.  Marahil ay ang sugo ay isang "black sheep" ng angkang Ysagun.  Ibig bagang sabihin ay isa siyang alibughang anak na hindi marunong magpatawad at magmahal sa kanyang ama.

Kung hindi man totoo itong aking haka-haka ano may iba pa kayang dahilan kung bakit ang isang mabait na anak ay magtatakwil ng kanyang apelyido?

Kung inyong matatandaan si Angelina Jolie ay nagpalit ng kanyang apelyido dahil galit na galit siya sa kanyang biological father. At dahil sa galit ang nasa puso ni Agelina kaya itinakwil niya ang kanyang amang si John Voight sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanyang apelyido. Sa gayon hindi na bibitbitin ng Angelina ang pangalang kanyang kinamumuhian.

Ito rin kaya ang nangyari sa sugo at pinalitan niya ang apelyido niya? Makikipusta ako ng 101 por cientong ulit kung hindi nga totoo ito.  Ngayon sabihin man ng mga ministro ni Manalo na si Ka Felix ay may dalisay na puso, isang kalapastanganan at kasinungalingan ang sabihing dalisay ang isang taong nagtakwil sa kanyang ama at nanggahasa ng mga kaanib na babae. Isang karumal-dumal ang sasabihing banal at pantas ang isang taong wala man lang sa kalingkingan ng kabutihan ang naging ugali.

Heto't makikita niyo sa larawan sa baba kung ano ang tunay na itsura ng sugo bago pa man i-edit ng mga publishers ng Pasugo ang kanyang mukha. Sa totoong anyo, ang sugo ay butas butas ang mukha at maraming kulubot sa balat katibayang siya'y isinumpa. Pero sa edited photo makikita niyo sa baba na makinis ito at animoy anghel sa itsura. Anghel ba kamo? Oo nga pala nakalimutan kong Anghel nga pala ang sugo. Dapat lang na i-edit ang kanyang butas butas na mukha para lalabas na mala-artistahin ang dating. Pagdamutan niyo na lamang itong larawang nakuha ko sa internet.

Tunay na itsura ni Ka Felix Manalo

Edited na larawan ni Ka Felix Manalo gumuwapo at kuminis ang balat.
Kaawa-awa ang mga kaluluwa ng mga magulang ng sugo dahil namatay silang Katoliko. At para sa sugo ang mga Katoliko ay masusunog sa dagat-dagatang apoy dahil hindi sila binyagan sa Iglesia ni Cristong tatag ng sugo.  Hanggang sa kamatayan poot at galit ang namayani sa puso ng sugo maging ang kanyang mga magulang ay kanyang isinumpang masusunog sa dagat-dagatang apoy.  Sa gayon hindi kata-takang galit din ang naghahari sa puso ng bawat kaanib ng kanyang kulto.

Thursday, 29 July 2010

Nabinyagan ba ang Sugo sa kaniyang Iglesia? Never!

Maligayang Anibersaryo nga pala sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo.  Muntik ko nang makalimutan ang isa sa mga pinakamahalagang occasion sa loob ng Iglesia ni Cristo.  Liban sa kaarawan ng sugo, ang aniversary ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo ay isa sa mga selebrasyong pinakahihintay ng mga Iglesia.  Maihahalintulad ko ito sa Pasko at mga piesta ng mga Katoliko.  Pero siguro mas akmang sabihin nating parang Christmas ito sa mga Iglesia halo-halo na rin kasi may musikahan blues, may sayawan, may kantahan, may mga fireworks display sila. So siguro New Year na ring maituturing ng mga INC.

Naku, sino ba naman tayo para maging kontra-bida sa gusto nila ano?  Kanya-kanyang hilig lang yan mga tsong.  Kung hilig nilang mag-Christmas sa Julay 27, go go go na lang sila.  Tutal tandang-tanda ko pa na ang Christmas daw ng mga Katoliko ay mula sa pagano kaya hindi ito itinuturo at pinagbabawalan ang mga kaanib ng INC na magdiwang ng kapaskuhan.  Hindi raw pagano ang mga kaanib ng INC kaya wala kaming K para mag-enjoy sa araw ng Pasko.  Pero secretly kami'y nangangaroling din sa aming  kapitbahay dahil super duper ang dami ng pera. Sayang din naman ang kikitain naming 10 piso that time.

Pero hindi Christmas ang gusto kong tumbukin dito.  Ang gusto ko lang kasing malaman ay kung ano ang katuruan ng INC tungkol sa mga hindi binyagan sa Iglesia?  Ayon sa aking pagkaalam ang mga hindi nabinyagan sa INC ay walang magawa kundi ang masusunog sa dagat-dagatang apoy.  Sa takot kong masusunog sa dagat-dagatang apoy kaya ako'y naging Iglesia noon.  Imaginin mo nga buong Pacific Ocean ay isang impierno? Kakatakot di ba?

Kaya sa takot ayun naging INC ako. 
Hindi alam ng mga Ministro na itong topic na ito ay isang mainit na issue na pinag-uusapang sa bulung-bulungan.  Kung ang lahat ng di nabinyagan sa Iglesia ay masusunog sa dagat-dagatan apoy ano na kaya ang lagay ng kaluluwa ng Sugo? 

Bakit kaya naging bulung-bulungan ito sa loob ng Iglesia ni Cristo? Sapagkat alam ng lahat na hindi po nabinyagan ang sugo sa kanyang Iglesia. Kung magkagayon anong kalagayan ngayon ng sugo sa kabilang buhay? Siya ba'y nililitson na sa dagat-dagatang apoy? 

Heto ang sagot ng mga Ministro.  Si Ka Felix daw ay hindi na kailangang magpabinyag sa Iglesia ni Cristo sapagkat mismong ang pagsusugo raw sa kanya ay isang biyayang higit pa sa binyag.  Ibig sabihin ang kanyang pagkasugo ay garantisadong ligtas na siya sa kabilang buhay.  Ito raw kasi ay hinulaan at kapag hinulaan sa Biblia ay hindi raw mangyayaring mapapahamak siya.

Ipagpalagay na lang natin na siya ay maliligtas dahil siya ay isinugo raw ng Ama, ano naman ang kalagayan ng lahat ng mga namatay na tao mula 2000 BC hanggang 1914 AD? Sangkatutak na kaluluwa pala ang napahamak at tanging ang mga INC lang ang mapupunta sa langit. Anong silbi pala ng pagsusugo kay Moises at iba pang mga propeta kung ang plano pala ng Dios ay 1914 lamang maliligtas ang mga tao sa pamamagitan ng huling sugo?

Pero dahil hindi maaaring dayain ang karunungan ng Dios kaya lumalabas na si Ka Felix ay mali ang pagkasugo.  Kaya't kung pag-aaralan ang kanilang mga turo mas lumalabas na si Ka Felix ang hindi ligtas dahil siya ay nagsinungaling at inilagay niya sa kanyang balikat ang isang karangalang hindi dapat mapasakanya.  Ang sabi nga aklat ng Mateo 23:12 ang mga mayayabang ay ibabagsak at ang mga may kababaang loob ang siyang itataas. Nakaligtaang basahin ito ng sugo. Mag-isip isip na lang ang mga nag-iisip upang sila'y maligtas.

Thursday, 22 July 2010

INC sumawsaw sa Senate prexy issue

Source: http://abante.com.ph/issue/july2210/news02.htm

Umeksena na ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) sa labanan nina Sen. Manny Villar at Francis ‘Kiko’ Pangilinan bilang Senate President ng 15th Congress.

Nabatid ng Abante sa isang mapagkakatiwalaang source na mismong si INC Executive Minister Eduardo V. Manalo ang nakikipag-usap ngayon sa mga ‘pakipot’ na senador para suportahan ang kandidatura ni Villar.

Sa panig naman ni Pangilinan, umentra na rin si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III matapos na hindi umubra ang panliligaw ng ibang senador na supporter ng esposo ni mega star Sharon Cuneta.

“Ipit na ipit ako nga­yon, hindi ko malaman kung sino ang susuportahan ko. Kay Villar si Eduardo Ma­nalo na mismo ang kumausap sa akin, kay Kiko si Noynoy na mismo,” wika ng senador na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Inusisa pa ng Abante sa senador kung bakit si Villar ang sinusuportahan ng Iglesia sa labanan ng Se­nate Presidency ga­yung si Pangulong Aquino ang sinuportahan ng simbahan nitong May 10 presidential elections.

“Gusto kasi ng Iglesia na masiguro ang pagkakaroon ng check and balance,” sagot ng impormante.

Sa hanay ng mga miyembro ng Senado, ang grupo na lamang ni Sen. Edgardo Angara ang walang malinaw na sinusuportahang kandidato sa pagka-Senate President.

Ang miyembro ng grupong ito ay sina Angara, Sens. Lito Lapid, Ramon Bong Revilla Jr., Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, Vicente ‘Tito’ Sotto III at Gregorio Honasan.

Samantala, tiniyak kahapon ni Sen. Edgardo Angara na magkakaroon ng bagong Senate President sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong Hulyo 26, taliwas sa naunang report na magkakaroon ng ‘vacuum of power’ sa nasabing kapulungan.

Sunday, 1 November 2009

Mga Linta ng Bayan

Marami na namang mga sipsip at mga balimbing sa ating bansa dahil sa paggunita sa kaarawan ng apo ni Ka Felix Manalo na siyang naging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng Iglesia ni Cristo.

Matatandaan na si Ka Felix Manalo ang siyang nagtatag ng Iglesia ni Cristo ilang taon matapos na makamit ng Pilipinas ang kasarinlan nito mula sa España sa loob ng halos mahigit kumulang na 300 na taon.

Kung noon ang mga sipsip na pulitiko sa buong bansa ay bumabati sa yumaong Ka Erdy Manalo tuwing sumasapit ang ika-2 ng Enero, ngayon naman, hitik na hitik na naman ang mga poste ng Meralco at kanto ng mga banners. Maging ang buwis na binabayad natin ay ginagamit na nila para lamang batiin ang isa sa pinakamayamang tagapagmanang pang-relihiyon.

Mantakin niyo, halos 12% ang VAT na binabayaran ng bawat sinong kumakain sa Jollibee at McDo (siyempre di naman natin ito pinapansin ano) at di rin natin masyadong pinapansin pero halos lahat ng binibili natin ay may tax.  Para saan ang mga kinokolektang tax na ito? Siyempre pa, para sa bayan ano? At para pambayad sa mga binoto nating mga politiko.

Sa kasamaan palad, hindi kasi tayo natututo eh. Hayun, sila't sila parin ang nakaupo at ganid pa rin sa kapangyarihan ag pera ang mga iniluklok natin. At heto na nga, ginagamit nila ang funds ng ating pinaghirapang ibubuwis sa mga walang kwentang pagbati lalo na sa isang taong yumaman na wala man lang binabayad na buwis (church exemption daw ang tawag dun).

Kaya't pwede ba? Yung mga trapal na nakakalat sa Quezon City na binabati ang mayaman nang si Ka Eduardo Manalo, alisin niyo na lang at nakakasama lang sa mata. Ang dami-daming pwede batiin yung mga wala pang pakinabang sa bayan ang binabati.

Ah, sapagkat umaasa silang sa pagdating ng Eleksiyon iboboto raw sila ng mga Iglesia. Hindi totoo iyon. Noong ako'y Iglesia pa, hindi ko sinusunod ang aral na 'yan. Bakit ko iboboto eh alam ko namang walang maitutulong sa amin ang kandidato ng Iglesia.  Baka ang mga Manalo at mga ministro ang makikinabang pero ang pangkalahatang kaanib ng Iglesia ay hindi makikinabang.

Sa mga pabahay na lamang sa Cavite, Rizal at sa QC, sino ang mga nakikinabang? Mga Ministro lamang. May pakinabang ba ang mga mahihirap na mga kaanib ng Iglesia? Wala.

Pansin ko rin naman na ang mga naglalakihang kapilya ng Iglesia halos barong barong na bahay naman ang nakapaligid dito. Wala bang sensitivity ang mga namumuno sa Iglesia at wala silang paki sa mga naghihirap na mga tao sa paligid ng kanilang mga bahay sambahan?

Di bale, hindi naman ako ang mananagot sa Dios pagdating ng araw. Batiin na lamang natin si Ka Eduardo ng Maligayang Kaarawan at nawa'y alam mong may kasalanan si Ka Felix, ang lolo mo dahil sa pagpapakilalang siya'y huling sugo samantalang alam naman natin na hindi.

Heto nga pala ang bati ng Manila Bulletin sa tagapagmana ng Iglesia ni Cristo. Pasensiya at ito'y sadyang nakasulat sa Ingles. Kayo na bahala umunawa.

We greet Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo V. Manalo a Happy Birthday


OCTOBER 31 is an important day for officials, members, followers, and supporters of the Iglesia ni Cristo (INC). On this day, its Executive Minister, Eduardo Villanueva Manalo, is celebrating his 55th Birth Anniversary. He is the son of the late Executive Minister Eraño G. Manalo and Cristina Villanueva Manalo.

Before he took over from his late father, “Ka Ed” was Deputy Executive Minister of the INC. He was ordained last May 7, 1994, at the Central Temple in Quezon City. He pursued pastoral activities in July-August, 1998, including a visit to Hawaii, United States, to participate in the celebration of the 30th year of the Church of Christ in the West. Other pastoral visits were made to various places in Europe and in Asia in April-May, 2006.

As Executive Minister, “Ka Ed” is shepherd to his flock. He continues the legacies left by his distinguished father and his esteemed grandfather, Minister Felix Y. Manalo, who founded the INC on July 27, 1914, in Punta, Sta. Ana, Manila. The church has since grown tremendously with millions of followers. It now has over 5,400 local congregations in 90 countries. Apart from spiritual enhancement, the INC pursues relevant and meaningful projects, not only for its members, but also for communities nationwide. It has outreach programs, environmental advocacy, food and nutrition projects, and educational campaigns such as computer literacy and adult education. The officials and members of the INC look up to him as a guiding light and inspiration, especially on vital spiritual and moral issues.

“Ka Ed” is an expert on information technology (IT). He ran a local radio frequency bulletin board service at a time when Internet had not yet been introduced in the country. He helped established the Association of Christians in Information Technology, an INC-affiliated organization composed of IT experts who assisted the INC in its myriad tasks. He obtained his Bachelor of Arts in Philosophy from the University of the Philippines-Diliman. He is married to Lynn V. Manalo and they have three children – Dorothy Kristine, Gemma Minna, and Angelo Eraño.

We greet Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo V. Manalo a happy birthday and wish him all the best and success in all his endeavors.

Monday, 5 October 2009

May mahinahon bang kaanib ang Iglesia ni Cristo?

Minsan akong nagawi sa isang site na may forum.  Kung ika'y baguhan katulad ko, magugulat ka sa makikita mo roon dahil puro bangayan. Tapunan ng masasamang salita. Palitan ng akusasyon. Bastusan. Walang modo halos mga tao roon.

Iyon ang aking pakiwari. Bagama't masama mang banggitin pero bastos at walang modo ang mga nagtatanggol ng kulto ni Felix Manalo. Nakakahiya mang aminin pero ganito rin ako noong ako'y kaanib pa nila.  Ang pinagtatanggol namin bilang mga Iglesia ni Cristo ay ang pangalang 'Iglesia ni Cristo' at at katauhan ni Ka Felix Manalo.  Hindi kami papayag na mamasamain ng kahit ninoman ang pangalang Iglesia ni Cristo at ng katungkulang iniatas ng Dios sa kanyang huling sugo na si Kapatid na Felix Manalo.

Para sa isang lubos na sumasampalatayang Iglesia ni Cristo, ang pagiging kaanib ay isang dalisay na desisyon. At ang pangako ng kaligtasan ay halos katulad ng kayamanang hindi nauubos. At sa mga katuruan ng Iglesia ni Cristo, ang lahat ng hindi kaanib ng Iglesiang ito ay mapupunta at masusunod sa "dagat-dagatang apoy" na hindi namamatay.

Sino ba naman ang gustong masusunog sa dagat-dagatang apoy.  Ang mapaso ka lamang ng patak ng kandila ay umaaray ka na, iyon pa kayang sinusunog ka sa "dagat-dagatang apoy"?  Ito ang mga kadalasang panakot ng mga Ministro ni Manalo. At dahil karamihan sa mga baguhang kaanib na naakay nila ay mga 'brainwashed' marami sa kanila ang mga Katolikong walang kamuwang-muwang sa kanilang pananampalataya.  Sinasabi sa kanila na kamuhian nila ang kanilang dating paniniwala at itakwil ang bawat doktrina ng Iglesia Katolika Apostolika Romana sapagkat ito raw ay hindi sa Dios kundi sa kasamaan.

Naroon ang paulit-ulit na sinasabing ang mga Katoliko raw ay nagsasamba sa mga diyus-diyosan na kinasusuklaman ng Dios sabay banggit ng sitas sa Bibliya na hango sa Exodu at Deuteronomia at Leviticus.  Sa isang Katolikong walang muwang sa kanyang dating sinasampalatayanan, natural nakanganga siya habang hangang-hangang nakikinig sa pambobola ng Ministro.

Para sa isang walang muwang na Katoliko na hindi pa nakarinig ng katulad ng pagsasalita ng isang ministro ng Iglesia, ang mga ministro ng Iglesia ay mga dalubhasa sa Biblia at may angking karunungan.  Pero hindi nila alam na nabe-brainwash na sila.  Sa katunayan ang mga ministrong ito ay gumagamit ng piling-piling sitas ng Biblia upang ipakita sa mga walang muwang na mga Katoliko na Dios ang nangungusap sa kanila mula sa Biblia.

Matatandaan na hindi lahat ng bumabanggit ng Biblia ay galing sa Dios. Kung inyong matatandaan si Satanas mismo ay gumamit ng sitas ng Biblia dun sa Temptation of Christ.  Kaya hindi pa rin ako sang-ayon sa mga ginagawang panloloko at pambobola ng mga ministro ng ni Ka Felix Manalo.

Kung talagang magagaling at matatalino ang mga ministro ni Ka Felix, bakit hanggang ngayon ay umiiwas sila lagi sa malakihang debateng hamon ng mga iba't ibang mga sekta sa Iglesia Protestante at sa mga nagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko? Sapagkat sila'y naduduwag at natatakot na baka sa kanilang konting kaalaman sa Biblia, sa Griego, Hebreo at Aramaic ay mangangamatis sila at mapupulutan sila ng kapintasan ng mga sumasaliksik ng kanilang mga mali-maling aral.

Ganon ang ginagawa nila sa mga walang kamuwang-muwang na mga Katoliko. Ito rin halos ang sinasabi ng mga dati kong kasama sa Iglesia.

Sa isang dako, ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na naaakay ang ang mga taong galit at may sama ng loob sa kanilang mga dating relihiyon.  Narito ang mga galit kay Eliseo Soriano. Narito rin ang mga taong galit sa paring Katoliko. Galit sa mga obispo na nakikialam daw sa Estado.  Yung mga galit sa mga Obispong Katoliko sa kanilang opposition sa same sex marriage, abortion, euthanasia, condoms, pills, at marami pang iba.  At dahil nga sa naging kontrobersial ang isang papansin na tourist guide sa lungsod ng Maynila na nag-flash ng caption na "Damaso" sa Cathedral ng Maynila, agad siyang niyaya ng mga Iglesiang sumanib na sa kanilang pulutong.

Suma-total, halos ang mga kaanib sa kultong Iglesia ay mga taong may malaking galit sa puso. Kaya hind nakakapagtataka na sa mga forums lumalabas kung anong klaseng kaanib ang meron sa Iglesia ni Cristo.

Magmasid ka. Magbasa. At pansinin mo ang mga ginagawa ng mga  kaanib ng Iglesia ni Cristo. Sila'y hindi marunong ng salitang mahinahon at pagpapakumbaba o pagmamahal.  Puro sama ng loob, pang-aalipusta at panlalait ang ginagawa nila sa mga kumakalaban sa kanilang huling sugo at sa Iglesia.

Katulad ng nauna kong sinabi, ang mga Iglesia ay handang gumawa ng karumal-dumal na krimen maipagtanggol lamang ang Iglesia ni Cristo bilang samahan at si Ka Felix Manalo bilang huling sugo. At dahil medyo malalim ang pagsasaliksik ng mga kumakalaban sa Iglesia ni Cristo at ng may-ari nito, gumagamit ng dahas ang mga kaanib at palihim na gumagalaw at lumalaban. Katulad na lamang sa mga napaulat na pagmamalabis ng mga kaanib nito sa mga kasahaman ng Ang Dating Daan ni Bro. Eli Soriano.

Kristiano bang ituturing ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo? Malabo. Ni hindi ko naiisip at lalong di ko nadama ang katuruang Kristiano sa loob ng matagal na panahong naroon sa ko sa kanilang kulto. Hindi gawaing Kristiano ang manakit, manira at bastos sa kapwa. Hindi gawain ng Kristiano ang kawalang-disiplina sa pag-uugali. Oo, inaamin ko, ang mga Iglesia ay may disiplina sa loob ng kanilang mga kapilya. Hiwalay ang babae sa lalaki at may dress code ang bawat isang pumapasok. Pero sa labas ng kanilang kapilya, iyong masusumpungan ang tunay na kaanib ng Iglesia ni Cristo.

Sa kanilang 96 years ng pagkakatatag, magpangalan nga kayo ng kahit isang kaanib ng Iglesia ni Cristo na gumawa ng isang kapuri-puring gawa para masabi nating mga tunay na Kristiano sila? Wala. Maliban kay Ka Felix Manalo, Ka Eraño Manalo at si Ka Eduardo Manalo, walang mabuting kaanib kundi ang mga Manalo lamang.

Sabihin man nilang hindi nga tunay ang Iglesia Katolika pero halos lahat ng relihiyon sa mundo ay sumasaludo sa kabayanihan at kabanalan ng yumaong Teresa ng Kalkuta at isa ako sa mga hindi makapaniwalang tahimik na tagamasid sa pagkamatay ng Papa ng Katolika na sa Pope John Paul II halos dumagsa ang buong mamamayan ng Roma sa Vatican upang magdalamhati. At sa unang pagkakataon ang mga pinuno ng iba't-ibang bansa at iba't-ibang paniniwala o relihiyon ay naroon at nagbigay pugay sa taong para sa Iglesia ni Cristo ay ang anti-Cristo. Napapanood ito halos lahat ng tvnews at mga pahayagan at telebisyon sa Pilipinas. Tanging ang aming TV program lamang ang umiiwas na pag-usapan ito.

Mula noon, napagtanto kong hindi maaaring bulag ang sangkatauhan sa katotohanan. Ang pagpapatotoo ng mga dumalo sa funeral ng Papa ng Roma, bagamat hindi sila kaanib ng Iglesia Katolika ay isang malinaw na hudyat na ang Iglesia Katolika nga ay siyang tunay na Iglesia.  Ito ang dahilan kung bakit kinakalaban ito ng Iglesia ni Cristo at ng mga ministro dahil alam nila sa kanlang pagmumuni-muni na ito nga ang tunay na Iglesia.

Kaya't sa mga dati kong kasamahan sa kulto ni Ka Felix Manalo? Itanong niyo nga sa sarili ninyo kung naging mabuti ba kayong kaanib sa Iglesia ni Cristo o kayo pa rin yung mga taong umanib sa Iglesia sapagkat wala kayong alam sa inyong dating paniniwala o kayo ay galit sa inyong mga pastor, ministro o pari?

Kung ang tanging dahilan kung bakit umanib kayo sa Iglesia ni Manalo ay sa inyong kamangmangan at walang interes sa relihiyon, o kaya'y punung-puno kayo ng galit sa inyong puso kaya bilang paghihiganti ay umanib kayo sa Iglesia ni Cristo kay Felix Manalo, may panahon pa para magsaliksik at hanapin ang liwanag sa labas ng Iglesia ni Cristo. Dahil sa kabuuan ang Iglesia ni Cristo ay tatag ni Felix

Sa mga kasamahan ko sa Ang Dating Daan na nasa kulto pa ni Manalo, bumalik na kayo at maging mabubuting mananampalataya. Sa mga dating Katoliko na mangmang sa kanilang paniniwala, magsaliksik kayo at lisanin niyo agad ang Iglesia ni Cristo dahil mapapahamak lamang ang inyong kaluluwa.

Mapagmasid. Mapanuri. Mapanaliksik. Mapagmahal. Maka-Dios. Mahinahon. Matalino at Mapayapa sa puso. Ito ang mga katangiang wala sa tinuturo sa mga mga kaanib ng Iglesia ni Cristo kahit basahin mo pa ang Fundamental Beliefs of the Iglesia ni Cristo.