Pages

Thursday, 22 July 2010

INC sumawsaw sa Senate prexy issue

Source: http://abante.com.ph/issue/july2210/news02.htm

Umeksena na ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) sa labanan nina Sen. Manny Villar at Francis ‘Kiko’ Pangilinan bilang Senate President ng 15th Congress.

Nabatid ng Abante sa isang mapagkakatiwalaang source na mismong si INC Executive Minister Eduardo V. Manalo ang nakikipag-usap ngayon sa mga ‘pakipot’ na senador para suportahan ang kandidatura ni Villar.

Sa panig naman ni Pangilinan, umentra na rin si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III matapos na hindi umubra ang panliligaw ng ibang senador na supporter ng esposo ni mega star Sharon Cuneta.

“Ipit na ipit ako nga­yon, hindi ko malaman kung sino ang susuportahan ko. Kay Villar si Eduardo Ma­nalo na mismo ang kumausap sa akin, kay Kiko si Noynoy na mismo,” wika ng senador na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Inusisa pa ng Abante sa senador kung bakit si Villar ang sinusuportahan ng Iglesia sa labanan ng Se­nate Presidency ga­yung si Pangulong Aquino ang sinuportahan ng simbahan nitong May 10 presidential elections.

“Gusto kasi ng Iglesia na masiguro ang pagkakaroon ng check and balance,” sagot ng impormante.

Sa hanay ng mga miyembro ng Senado, ang grupo na lamang ni Sen. Edgardo Angara ang walang malinaw na sinusuportahang kandidato sa pagka-Senate President.

Ang miyembro ng grupong ito ay sina Angara, Sens. Lito Lapid, Ramon Bong Revilla Jr., Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, Vicente ‘Tito’ Sotto III at Gregorio Honasan.

Samantala, tiniyak kahapon ni Sen. Edgardo Angara na magkakaroon ng bagong Senate President sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong Hulyo 26, taliwas sa naunang report na magkakaroon ng ‘vacuum of power’ sa nasabing kapulungan.

4 comments:

Anonymous said...

mga walang mgawa.. haha.. Soriano bakla k tlga..hehehehe peace ingkang..- chupa

Felix Rapist said...

Ang laswa ng bunganga ng mga kulto!

Anonymous said...

mas malaswa bunganga mo felix rapist mas mukha ng kulto! s sunugin ka na, masusunugan ka kawawa ka nman tandaaan mo.

Anonymous said...

wala lang talagang magawa...wala naman kaming pakialam kung ano pa yang mga pinagsasabi mo dito...di mo naman mapipigilan ang pagsulong ng IGLESIA NI CRISTO...papansin ka lang...