Pages

Sunday, 1 November 2009

Mga Linta ng Bayan

Marami na namang mga sipsip at mga balimbing sa ating bansa dahil sa paggunita sa kaarawan ng apo ni Ka Felix Manalo na siyang naging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng Iglesia ni Cristo.

Matatandaan na si Ka Felix Manalo ang siyang nagtatag ng Iglesia ni Cristo ilang taon matapos na makamit ng Pilipinas ang kasarinlan nito mula sa España sa loob ng halos mahigit kumulang na 300 na taon.

Kung noon ang mga sipsip na pulitiko sa buong bansa ay bumabati sa yumaong Ka Erdy Manalo tuwing sumasapit ang ika-2 ng Enero, ngayon naman, hitik na hitik na naman ang mga poste ng Meralco at kanto ng mga banners. Maging ang buwis na binabayad natin ay ginagamit na nila para lamang batiin ang isa sa pinakamayamang tagapagmanang pang-relihiyon.

Mantakin niyo, halos 12% ang VAT na binabayaran ng bawat sinong kumakain sa Jollibee at McDo (siyempre di naman natin ito pinapansin ano) at di rin natin masyadong pinapansin pero halos lahat ng binibili natin ay may tax.  Para saan ang mga kinokolektang tax na ito? Siyempre pa, para sa bayan ano? At para pambayad sa mga binoto nating mga politiko.

Sa kasamaan palad, hindi kasi tayo natututo eh. Hayun, sila't sila parin ang nakaupo at ganid pa rin sa kapangyarihan ag pera ang mga iniluklok natin. At heto na nga, ginagamit nila ang funds ng ating pinaghirapang ibubuwis sa mga walang kwentang pagbati lalo na sa isang taong yumaman na wala man lang binabayad na buwis (church exemption daw ang tawag dun).

Kaya't pwede ba? Yung mga trapal na nakakalat sa Quezon City na binabati ang mayaman nang si Ka Eduardo Manalo, alisin niyo na lang at nakakasama lang sa mata. Ang dami-daming pwede batiin yung mga wala pang pakinabang sa bayan ang binabati.

Ah, sapagkat umaasa silang sa pagdating ng Eleksiyon iboboto raw sila ng mga Iglesia. Hindi totoo iyon. Noong ako'y Iglesia pa, hindi ko sinusunod ang aral na 'yan. Bakit ko iboboto eh alam ko namang walang maitutulong sa amin ang kandidato ng Iglesia.  Baka ang mga Manalo at mga ministro ang makikinabang pero ang pangkalahatang kaanib ng Iglesia ay hindi makikinabang.

Sa mga pabahay na lamang sa Cavite, Rizal at sa QC, sino ang mga nakikinabang? Mga Ministro lamang. May pakinabang ba ang mga mahihirap na mga kaanib ng Iglesia? Wala.

Pansin ko rin naman na ang mga naglalakihang kapilya ng Iglesia halos barong barong na bahay naman ang nakapaligid dito. Wala bang sensitivity ang mga namumuno sa Iglesia at wala silang paki sa mga naghihirap na mga tao sa paligid ng kanilang mga bahay sambahan?

Di bale, hindi naman ako ang mananagot sa Dios pagdating ng araw. Batiin na lamang natin si Ka Eduardo ng Maligayang Kaarawan at nawa'y alam mong may kasalanan si Ka Felix, ang lolo mo dahil sa pagpapakilalang siya'y huling sugo samantalang alam naman natin na hindi.

Heto nga pala ang bati ng Manila Bulletin sa tagapagmana ng Iglesia ni Cristo. Pasensiya at ito'y sadyang nakasulat sa Ingles. Kayo na bahala umunawa.

We greet Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo V. Manalo a Happy Birthday


OCTOBER 31 is an important day for officials, members, followers, and supporters of the Iglesia ni Cristo (INC). On this day, its Executive Minister, Eduardo Villanueva Manalo, is celebrating his 55th Birth Anniversary. He is the son of the late Executive Minister Eraño G. Manalo and Cristina Villanueva Manalo.

Before he took over from his late father, “Ka Ed” was Deputy Executive Minister of the INC. He was ordained last May 7, 1994, at the Central Temple in Quezon City. He pursued pastoral activities in July-August, 1998, including a visit to Hawaii, United States, to participate in the celebration of the 30th year of the Church of Christ in the West. Other pastoral visits were made to various places in Europe and in Asia in April-May, 2006.

As Executive Minister, “Ka Ed” is shepherd to his flock. He continues the legacies left by his distinguished father and his esteemed grandfather, Minister Felix Y. Manalo, who founded the INC on July 27, 1914, in Punta, Sta. Ana, Manila. The church has since grown tremendously with millions of followers. It now has over 5,400 local congregations in 90 countries. Apart from spiritual enhancement, the INC pursues relevant and meaningful projects, not only for its members, but also for communities nationwide. It has outreach programs, environmental advocacy, food and nutrition projects, and educational campaigns such as computer literacy and adult education. The officials and members of the INC look up to him as a guiding light and inspiration, especially on vital spiritual and moral issues.

“Ka Ed” is an expert on information technology (IT). He ran a local radio frequency bulletin board service at a time when Internet had not yet been introduced in the country. He helped established the Association of Christians in Information Technology, an INC-affiliated organization composed of IT experts who assisted the INC in its myriad tasks. He obtained his Bachelor of Arts in Philosophy from the University of the Philippines-Diliman. He is married to Lynn V. Manalo and they have three children – Dorothy Kristine, Gemma Minna, and Angelo Eraño.

We greet Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo V. Manalo a happy birthday and wish him all the best and success in all his endeavors.

1 comment:

Anonymous said...

salamat sa iyong mga pagpuna. mas lalong nahahayag ang kadakilaan ng Iglesia Ni cristo.