Pages

Saturday, 13 November 2010

Palaisipan

Wla lang. Gusto ko lang magsulat.  Marami kasi akong naiisip tungkol sa Iglesia ni Cristo habang ako'y nakatanaw sa kanilang templo sa di kalayuan na pinapalibutan ng mga bahay na binubungan ng  kinakalawang na yerong may pampabigat na lumang gulong at mga hollow blocks.

Maraming palaisipan sa loob ng Iglesia ni Cristo ang umiiral na hindi nilalabas ng mga Ministro sa takot na mawalan sila ng hanapbuhay. Kasama rito ang usap-usapan tungkol sa pagkatao ni Ka Felix Manalo, at kung sino nga ba ang tunay na may-ari ng Iglesia ni Cristo. Siguro narining niyo na ang pangalang Rosita Trillanes na inilabas ni Emily Jordan dito sa blog na http://emilyjordan.wordpress.com/2009/03/05/felix-manalo-rapist-of-his-members-and-his-ministers-wives/.  Walang kaduda-dudang ginahasa nga ni Ka Felix itong kaanib ng Iglesia ni  Cristo. Isa ito sa mga pilit na tinatakpan ng mga Ministro sa kanilang mga pangangaral. 

Minsan nga sa kanilang Pamamahayag sa tuwing malapit nang sumapit ang kanilang anniverary, isang matapang na bisita ang nagtanong sa Ministro ng tungkol kay Rosita Trillanes. At dahil nga sa halatang hindi inaasahang tanong ang matatanggap ng Ministro hindi niya sinagot ito ng derecho at paligoy-ligoy niya itong sinagot. Sabi ng Ministro kung saan daw niya narinig ang mga chismis na yun. Dahil sa paninira daw ng mga kumakaaway sa tunay na Iglesia kaya masama ang kanilang iniisip tungkol sa sugo.

At matapos ang ganitong paliwanag tinadtaran naman niya ng Bible verses ang nagtanong halatang defense mechanism na lamang ito ng ministro at gustong palabasin na kung si Cristo raw ay inusig ang sugo rin ay uusigin at sisiraan.  Medyo malamig noon sa loob ng templo  kaya hindi nahalata ang namumuong pawis sa noo ng ministro at hindi rin niya nahalata na medyo napalakas ang boses niya.  Halatang iniwasan niya ang tanong dahil alam ng Ministro na kapag history na ang pag-uusapan lalabas na totoo ngang si Ka Felix ay nanggahasa ayon sa sinasabi ng koret na may panggagahasa ngang naganap sa pagitan ng sugo at ni Rosita Trillanes. At naging diakonesa si Rosita Trillanes sa di maisip na dahilan.
Di ba't palaisipan pa rin ito hanggang ngayon sa loob ng Iglesia?

Bagamat natalo ng INC si Bro. Eliseo Soriano sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang impluwensiya sa mga opisyales ng gobyerno na kaanib ng INC natutuwa naman ang mga Iglesia sa biglang pagkawala ni Bro. Eli sa kanyang top-rating show na Ang Dating Daan.  Para sa kanila ang pagkawala ni Bro. Eli ay isang victory dahil at least nawala na rin ang isa sa malaking tinik na naglalabas ng baho sa loob ng Iglesia ni Cristo.  Ang programa ni Bro. Eli na Ang Dating Daan ang dahilan kung bakit nagkaroon ng TV show segment ang INC na "Ang Tamang Daan".  Sa kanilang sinisiraan nila ang pagkatao ni Bro. Eli bilang paghihiganti sa paglalahad ng una sa pamunuan, pananalapi at pagpapalakad at paghahari ng mga Manalo sa Iglesia ni Cristo. 

Palaisipan pa rin kung ang pagkakaroon ng kaso ni Bro Eli ay isang entrapment lang ng INC para mahusgahan ng bayan ang The Truthcaster para isiwalat ang katotohanan sa loob ng INC?

Sa tuwing sasapit ang July 27, natutuwa at nagagalak ang bawat kaanib ng INC.  Ito kasi ang anniversary ng pagkakatatag ng Iglesia ni Manalo.  Ayon sa history nito, ang Iglesia ni Cristo ay itinatag ni Ka Felix sa Pilipinas noong July 27, 1914.  Kasabay nito si dating Pangulong Gloria Arroyo nag-declare na ang July 27 ay isang Special Working Holiday bilang pasasalamat ng dating pangulo sa support ng INC sa kanyang pagkapangulo ng bansa.  Sa ngayon ang INC ay 96 years na mula ng ito'y itinatag ni Ka Felix Manalo.

Parang Pasko ang atmosphere sa kanilang mga bahay-sambahan at kunti na lang may exchange gift sila at magbabatian ng "Merry Christmas".  Pero dahil nga sa wala raw Pasko sa kanila kaya imbes na "Merry Christmas" ang bati ay "Happy Anniversary" na lang ang greetings.  Minsan hanap ng ako ng INC greetings sa NB para mabati ko naman sila ng "Happy Anniversary" di ba?

At isang malaking palaisipan pa rin sa marami kung ilan nga ba ang mga Iglesia ni Cristo. Lumalabas lang kasi ang estimate numbers nila sa tuwing sasapit ang election sa Pinas.  Biruin mo nakangangang nagmamakaawa ang mga pulitikong Pinoy sa kung sino ang babasbasan ni Ka Eduardo ng kanilang support?  Sa mga talunan sa election naku gagawin nila ang lahat para lamang hirangin sila ni Ka Eduardo ng kanilang support.

Pero hindi totoo ito. Naalala ko hindi naman namin sinunod si Ka Erdy noong sabihin niyang soportahan si Erap.  Bago pa man ipahayag ang pagsuporta kay Erap ni Ka Erdy convince na ang family ko na suportahan namin si Erap.  Ang sabi ng aking ama hindi naman daw itinakda ng Bible na masusunog ang aming kaluluwa kung hindi namin susundan si Ka Erdy.  Buti na lang at si Erap din ang sinuportahan ni Ka Erdy.  Bakit nga ba hinde eh halos lumalabas na si Erap ang mananalo sa buong surveys nito kahit na hindi pa mamagitan ang INC noon talagang malinaw na malinaw na si Erap nga ang lalabas na mananalo 3 months bago mismong election.

Kaya palaisipan pa rin kung ilan na nga ang mga Iglesia sa kasalukuyan? At totoo nga bang  ang Bloc Voting ang nagpapanalo sa mga kandidato? Ang totoo hindi lahat ng kaanib ng Iglesia ay naniniwala sa bloc voting na ito.

Kaya't ang tanong nag-iisip ay hindi natatangay ng agos ng kamangmangan at ang mga mangmang ay siyang nadadala sa agos ng kawalang-kaalaman sa totoong nangyayari sa loob ng Iglesia ni Manalo!

4 comments:

LIE009 said...

AKOY AWANG AWA SA INYO DAHIL DALA NG INYONG KAINGITAN NADADALA KAYO SA KADILIMAN .... IM SAD TO SAY NA BAKA PAG MALAPIT NA ANG ARAW ANY MAPASAMA KAYO SA HUHUSGAHAN PARA SA KAMATA YAN SA DAGATDAGATANG APOY .....................................KAYA NAMAN MAY ORAS PA PO UPANG MAG BAGO KAYO !!!!!!!

Anonymous said...

GRABE IREREMIND KO PO KAYO HA ? :D WALA PONG PERPEKTONG TAO :) KUNG NAGKAMALI MAN PO SILA , AKO OR KAME EHH HUMIHINGE PO KAMI NG TAWAD SA AMA ,... TSAKA ., TANUNGIN KO KAYO HA ? MALINIS PO BA ANG INYONG MGA KAMAY ? WALA PO BA NI ISA O KAYONG NAGAWANG KASALANAN ? MERON PO DIBA ? TIGNAN NIYO PO OHH. MANALAMIN PO TAYO :D BAHALA NAPO ANG MAHAL NA DIYOS SA INYO :) ITS TIME TO CHANGE :D

Anonymous said...

Kala nyo kung sino kayo!!!!! May salamin po ba sa bahay nyo? o hindi lang talaga kayo tumitingin kasi natatakot kayo? Kung kaya,kayo ang gawan nyan masisiyahan kayo?!? May kasabihan nga po na 'Kung AYAW mong gawin sayo HUWAG mong gawin sa iba!!!!

Anonymous said...

Sapul ng iyong "Palaisipan" ang mga guilty Donna. Buti pa ang ibang myembro medyo matalino at bukas ang isip at humihingi daw ng tawad. Pero yun mismong gumawa ng krimen (na founder pa!) ay mega-deny sa ginawa nya. Kilala sa panunuhol at pamba-blackmail ang grupong ito. Takot lang magsalita ng mga myembro dahil sa dagat-dagatang apoy sila mapupunta sa kinabukasan. Ang di nila alam, ngayon pa lang ay inaapuyan na sila at iginigisa sa sariling mantika :-(