Maligayang Anibersaryo nga pala sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo. Muntik ko nang makalimutan ang isa sa mga pinakamahalagang occasion sa loob ng Iglesia ni Cristo. Liban sa kaarawan ng sugo, ang aniversary ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo ay isa sa mga selebrasyong pinakahihintay ng mga Iglesia. Maihahalintulad ko ito sa Pasko at mga piesta ng mga Katoliko. Pero siguro mas akmang sabihin nating parang Christmas ito sa mga Iglesia halo-halo na rin kasi may musikahan blues, may sayawan, may kantahan, may mga fireworks display sila. So siguro New Year na ring maituturing ng mga INC.
Naku, sino ba naman tayo para maging kontra-bida sa gusto nila ano? Kanya-kanyang hilig lang yan mga tsong. Kung hilig nilang mag-Christmas sa Julay 27, go go go na lang sila. Tutal tandang-tanda ko pa na ang Christmas daw ng mga Katoliko ay mula sa pagano kaya hindi ito itinuturo at pinagbabawalan ang mga kaanib ng INC na magdiwang ng kapaskuhan. Hindi raw pagano ang mga kaanib ng INC kaya wala kaming K para mag-enjoy sa araw ng Pasko. Pero secretly kami'y nangangaroling din sa aming kapitbahay dahil super duper ang dami ng pera. Sayang din naman ang kikitain naming 10 piso that time.
Pero hindi Christmas ang gusto kong tumbukin dito. Ang gusto ko lang kasing malaman ay kung ano ang katuruan ng INC tungkol sa mga hindi binyagan sa Iglesia? Ayon sa aking pagkaalam ang mga hindi nabinyagan sa INC ay walang magawa kundi ang masusunog sa dagat-dagatang apoy. Sa takot kong masusunog sa dagat-dagatang apoy kaya ako'y naging Iglesia noon. Imaginin mo nga buong Pacific Ocean ay isang impierno? Kakatakot di ba?
Kaya sa takot ayun naging INC ako.
Hindi alam ng mga Ministro na itong topic na ito ay isang mainit na issue na pinag-uusapang sa bulung-bulungan. Kung ang lahat ng di nabinyagan sa Iglesia ay masusunog sa dagat-dagatan apoy ano na kaya ang lagay ng kaluluwa ng Sugo?
Bakit kaya naging bulung-bulungan ito sa loob ng Iglesia ni Cristo? Sapagkat alam ng lahat na hindi po nabinyagan ang sugo sa kanyang Iglesia. Kung magkagayon anong kalagayan ngayon ng sugo sa kabilang buhay? Siya ba'y nililitson na sa dagat-dagatang apoy?
Heto ang sagot ng mga Ministro. Si Ka Felix daw ay hindi na kailangang magpabinyag sa Iglesia ni Cristo sapagkat mismong ang pagsusugo raw sa kanya ay isang biyayang higit pa sa binyag. Ibig sabihin ang kanyang pagkasugo ay garantisadong ligtas na siya sa kabilang buhay. Ito raw kasi ay hinulaan at kapag hinulaan sa Biblia ay hindi raw mangyayaring mapapahamak siya.
Ipagpalagay na lang natin na siya ay maliligtas dahil siya ay isinugo raw ng Ama, ano naman ang kalagayan ng lahat ng mga namatay na tao mula 2000 BC hanggang 1914 AD? Sangkatutak na kaluluwa pala ang napahamak at tanging ang mga INC lang ang mapupunta sa langit. Anong silbi pala ng pagsusugo kay Moises at iba pang mga propeta kung ang plano pala ng Dios ay 1914 lamang maliligtas ang mga tao sa pamamagitan ng huling sugo?
Pero dahil hindi maaaring dayain ang karunungan ng Dios kaya lumalabas na si Ka Felix ay mali ang pagkasugo. Kaya't kung pag-aaralan ang kanilang mga turo mas lumalabas na si Ka Felix ang hindi ligtas dahil siya ay nagsinungaling at inilagay niya sa kanyang balikat ang isang karangalang hindi dapat mapasakanya. Ang sabi nga aklat ng Mateo 23:12 ang mga mayayabang ay ibabagsak at ang mga may kababaang loob ang siyang itataas. Nakaligtaang basahin ito ng sugo. Mag-isip isip na lang ang mga nag-iisip upang sila'y maligtas.
Thursday, 29 July 2010
Thursday, 22 July 2010
INC sumawsaw sa Senate prexy issue
Source: http://abante.com.ph/issue/july2210/news02.htm
Umeksena na ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) sa labanan nina Sen. Manny Villar at Francis ‘Kiko’ Pangilinan bilang Senate President ng 15th Congress.
Nabatid ng Abante sa isang mapagkakatiwalaang source na mismong si INC Executive Minister Eduardo V. Manalo ang nakikipag-usap ngayon sa mga ‘pakipot’ na senador para suportahan ang kandidatura ni Villar.
Sa panig naman ni Pangilinan, umentra na rin si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III matapos na hindi umubra ang panliligaw ng ibang senador na supporter ng esposo ni mega star Sharon Cuneta.
“Ipit na ipit ako ngayon, hindi ko malaman kung sino ang susuportahan ko. Kay Villar si Eduardo Manalo na mismo ang kumausap sa akin, kay Kiko si Noynoy na mismo,” wika ng senador na tumangging magpabanggit ng pangalan.
Inusisa pa ng Abante sa senador kung bakit si Villar ang sinusuportahan ng Iglesia sa labanan ng Senate Presidency gayung si Pangulong Aquino ang sinuportahan ng simbahan nitong May 10 presidential elections.
“Gusto kasi ng Iglesia na masiguro ang pagkakaroon ng check and balance,” sagot ng impormante.
Sa hanay ng mga miyembro ng Senado, ang grupo na lamang ni Sen. Edgardo Angara ang walang malinaw na sinusuportahang kandidato sa pagka-Senate President.
Ang miyembro ng grupong ito ay sina Angara, Sens. Lito Lapid, Ramon Bong Revilla Jr., Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, Vicente ‘Tito’ Sotto III at Gregorio Honasan.
Samantala, tiniyak kahapon ni Sen. Edgardo Angara na magkakaroon ng bagong Senate President sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong Hulyo 26, taliwas sa naunang report na magkakaroon ng ‘vacuum of power’ sa nasabing kapulungan.

Subscribe to:
Posts (Atom)