Pages

Tuesday, 15 March 2011

Iglesia ni Cristo 1914 sawsaw sa Pulitika!

Ang kakapal talaga ng mukha ng mga IN-1914. Biruin mo gusto pa nilang makialam sa Impeachment proceedings laban kay Merceditas Guiterrez ng Ombudsman?

Dito sa balitang INC hand seen in efforts to kill impeachment of Gutierrez gustong makialam ang mga kaanib ng kulto ni Manalo na nasa matataas na posisyon sa gobyerno ni Pnoy na patayin ang efforts ng Mababang Kapulungan na isulong sa Senado ang Impeachment kay Guiterrez. Sawsaw ba ang tawag sa ganon? Eh, ganon naman lagi ang mga INC eh. Sawsaw sa pulitika. Gusto kasi nilang sa pamamagitan ng mga magnanakaw na mga politicians ay mailuluklok nila ang kanilang mga manok sa mga posisyon sa gobyerno.

Naalala niyo ba kung sino ang mga nasa likod sa mga gulo noong kapanahunan nina Ferdinand Marcos, ni Erap Estrada at ni Gloria Arroyo? Naalala niyo ang EDSA tres daw na halatang puro mga adik sa daan ang mga binayaran at ginamit ng mga INC para mag-rally laban kay Gloria noon? Pero nasan ang rally nila? Halatang hakot ang mga tao dahil nagbabasag na sila ng mga traffic lights at gusto pang mag-loot sa mga nearby stores na binasag nila. Talagang masasamang tao ang mga Iglesia ni Cristo. Di bale, nakita naman ng buong mundo ang kanilang uri noong EDSA tres.

Balikan ko ang tungkol kay Marcos, Estrada at ni Arroyo. Lahat kasing mga Katolikong ito ay mga magnanakaw ng bayan. Hindi lang libu-lubo ang mga ninakaw at lalong hindi lang po milyon ang kanilang ninakaw kundi bilyon po ang kanilang ninakaw. Itong si Marcos, binakapan nila si Marcos noong lumaban si Cory Aguino laban sa kanya. Ganon din ang ginawa nila noong napunta kay Gloria ang kapangyarihan ni Erap. At noong naging ganid na sa kapangyarihan si Gloria at nahuling nagnanakaw na pala sa kaban ng bayan doon pa lamang lumabas ang totong kulay ng mga INC. Lahat ng mga magnanakaw na Katoliko ay kanilang sinuportahan.

Bakit kaya gustong gusto nilang suportahan ang mga magnanakaw na ito? Dahil siguro gusto nilang sakaling itakwil sila ng mga Katoliko at ng mga pari nila ay lilipat sila sa kanilang sekta este kulto pala. Naku, ano naman kung lilipat ang mga Marcos, Estradas at mga Arroyos sa INC? Malaki ba kaya silang kawalan sa mga Katoliko? Ewan ko lang, wala pa naman akong balak bumalik sa dati kong relihiyon pero para sa akin kahit kunin pa nila lahat ng mga magnanakaw na mga Katoliko sa kanilang kulto ay di bale nang maging milyon sila eh kung lahat naman sila ay mga magnanakaw ng bayan.

Kaya mga INC, pwede ba huwag na kayong mga epal at mga sawsawera at sawsawero sa pulitiko sa ating bansa dahil wala naman kayong tulong kundi ang gawing InC ang mga Pilipino. Mabuti naman at umalis ako sa Katoliko ay hindi ko naisip na sa INC ni Manalo ako lilipat, over my dead body. Ang kapal ng mga mukha. Matigas na talaga ang mukha nila. Di na nakakaramdam! Mga kulto!

Saturday, 27 November 2010

Hide and Seek kayamanan ng mga Manalo

Totoo kaya ang pinagsasabi ni Philippines is my Religion sa blog na http://philippinepoliticsismyreligion.blogspot.com/2010/03/iglesia-ni-cristo-property-in-el-cajon.html kasi may reaction agad ang mga kaanib nito. Kesyo raw kapag binulatlat ang yaman ng Iglesia ni Cristo at kung ano-anong mga pinagbibili nito sa ibang bansa katulad na lamang ng mga Land Properties eh ang tanging sumbat ng mga kaanib eh "inggit lang kayo."

Sino ba naman ang maiinggit sa katakawan ng kayamanan sa lupa? Ang sabi nga ng Mateo 6:20 ay dapat sa langit tayo mag-impok ng kayaman at hindi sa kayamanan sa lupa tulad ng ginagawa ng Iglesia ni Cristo.  'Di ba kahiyahiya? Kung putaktihin nila si Bro. Eli sa kanyang paghingi ng mga abuloy at contribution ay akala mo hindi sila suwapang yun pala sobra rin silang nagpepera sa kanilang mga kaanib pero kapag nanghingi sila daig pa si Hudas sa kakapalan ng mukha. Ang sabi nga sa kasabihang Pilipino ay "kapalmoks" ang mga Iglesia kapag nanghingi na ng datung.

Bakit nga ba yumayaman ang mga Manalo? Dahil maraming nagpapauto.  At saan ba nila tinatago ang kanilang kayamanan? Eh di sa bangko.  Yun nga lang kahit sinong ordinaryong kaanib ng INC walang nakakaalam.  Tanging close circle friends ng mga Manalo ang nakakaalam.  Alalahanin natin na ang Iglesia ni Cristo ay isang uri ng negosyo at ito ay nagpapalago ng pera.  Ang pagkakaiba nga lang nito sa iba pang mga negosyo dito sa ating bansa ay hindi sila nagbabayad ng tax.  Ganon din ang dahilan kung bakit yumaman si Mike Vellardo ng El-Shaddai.  Ginagamit nila ang pangalang relihiyon para hindi mabuwisan.

Sa mga Manalo may nakita na ba kayo sa mga anak at apo nito na naghihirap? Wala.  Lahat ay nag-e-enjoy ng sarap ng buhay habang ang kanilang mga kaanib ay nagtitiis.  Hindi nagsusuot ng mumurahing suotin ang mga angkan ni Manalo samantalang ang kanilang mga kaanib ay pilit na magsuot ng formal, required po sa INC ito. 

May kilala akong Ministro sa Bicol na talagang hirap na hirap at hikahos sa buhay dahil kulang na kulang ang subsidy na nakukuha niya sa Central.  Sabi nga ng Ministro ay di bale na raw at bahala na ang Dios sa kanyang pamilya. At least ngayon lang ako nakakita at nakarinig ng isang INC Minister na may ganong klase ng pananaw sa buhay. Malas nga lang niya at nasa maling institution siya nakabilang.  Sana nga magising siya isang araw at sabihin niyang mali pala. 

Ang ibig ko lang sabihin dito na ang mga Manalo ay mayaman.  Hindi sila naghihirap. Kaya kung gusto niyong alamin ang kanilang kayamanan abah maghanap kayo.  Hindi yung abuloy lang kayo ng abuloy pero di niyo alam pinapayaman niyo lang ang kanilang angkan.

Saturday, 13 November 2010

Palaisipan

Wla lang. Gusto ko lang magsulat.  Marami kasi akong naiisip tungkol sa Iglesia ni Cristo habang ako'y nakatanaw sa kanilang templo sa di kalayuan na pinapalibutan ng mga bahay na binubungan ng  kinakalawang na yerong may pampabigat na lumang gulong at mga hollow blocks.

Maraming palaisipan sa loob ng Iglesia ni Cristo ang umiiral na hindi nilalabas ng mga Ministro sa takot na mawalan sila ng hanapbuhay. Kasama rito ang usap-usapan tungkol sa pagkatao ni Ka Felix Manalo, at kung sino nga ba ang tunay na may-ari ng Iglesia ni Cristo. Siguro narining niyo na ang pangalang Rosita Trillanes na inilabas ni Emily Jordan dito sa blog na http://emilyjordan.wordpress.com/2009/03/05/felix-manalo-rapist-of-his-members-and-his-ministers-wives/.  Walang kaduda-dudang ginahasa nga ni Ka Felix itong kaanib ng Iglesia ni  Cristo. Isa ito sa mga pilit na tinatakpan ng mga Ministro sa kanilang mga pangangaral. 

Minsan nga sa kanilang Pamamahayag sa tuwing malapit nang sumapit ang kanilang anniverary, isang matapang na bisita ang nagtanong sa Ministro ng tungkol kay Rosita Trillanes. At dahil nga sa halatang hindi inaasahang tanong ang matatanggap ng Ministro hindi niya sinagot ito ng derecho at paligoy-ligoy niya itong sinagot. Sabi ng Ministro kung saan daw niya narinig ang mga chismis na yun. Dahil sa paninira daw ng mga kumakaaway sa tunay na Iglesia kaya masama ang kanilang iniisip tungkol sa sugo.

At matapos ang ganitong paliwanag tinadtaran naman niya ng Bible verses ang nagtanong halatang defense mechanism na lamang ito ng ministro at gustong palabasin na kung si Cristo raw ay inusig ang sugo rin ay uusigin at sisiraan.  Medyo malamig noon sa loob ng templo  kaya hindi nahalata ang namumuong pawis sa noo ng ministro at hindi rin niya nahalata na medyo napalakas ang boses niya.  Halatang iniwasan niya ang tanong dahil alam ng Ministro na kapag history na ang pag-uusapan lalabas na totoo ngang si Ka Felix ay nanggahasa ayon sa sinasabi ng koret na may panggagahasa ngang naganap sa pagitan ng sugo at ni Rosita Trillanes. At naging diakonesa si Rosita Trillanes sa di maisip na dahilan.
Di ba't palaisipan pa rin ito hanggang ngayon sa loob ng Iglesia?

Bagamat natalo ng INC si Bro. Eliseo Soriano sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang impluwensiya sa mga opisyales ng gobyerno na kaanib ng INC natutuwa naman ang mga Iglesia sa biglang pagkawala ni Bro. Eli sa kanyang top-rating show na Ang Dating Daan.  Para sa kanila ang pagkawala ni Bro. Eli ay isang victory dahil at least nawala na rin ang isa sa malaking tinik na naglalabas ng baho sa loob ng Iglesia ni Cristo.  Ang programa ni Bro. Eli na Ang Dating Daan ang dahilan kung bakit nagkaroon ng TV show segment ang INC na "Ang Tamang Daan".  Sa kanilang sinisiraan nila ang pagkatao ni Bro. Eli bilang paghihiganti sa paglalahad ng una sa pamunuan, pananalapi at pagpapalakad at paghahari ng mga Manalo sa Iglesia ni Cristo. 

Palaisipan pa rin kung ang pagkakaroon ng kaso ni Bro Eli ay isang entrapment lang ng INC para mahusgahan ng bayan ang The Truthcaster para isiwalat ang katotohanan sa loob ng INC?

Sa tuwing sasapit ang July 27, natutuwa at nagagalak ang bawat kaanib ng INC.  Ito kasi ang anniversary ng pagkakatatag ng Iglesia ni Manalo.  Ayon sa history nito, ang Iglesia ni Cristo ay itinatag ni Ka Felix sa Pilipinas noong July 27, 1914.  Kasabay nito si dating Pangulong Gloria Arroyo nag-declare na ang July 27 ay isang Special Working Holiday bilang pasasalamat ng dating pangulo sa support ng INC sa kanyang pagkapangulo ng bansa.  Sa ngayon ang INC ay 96 years na mula ng ito'y itinatag ni Ka Felix Manalo.

Parang Pasko ang atmosphere sa kanilang mga bahay-sambahan at kunti na lang may exchange gift sila at magbabatian ng "Merry Christmas".  Pero dahil nga sa wala raw Pasko sa kanila kaya imbes na "Merry Christmas" ang bati ay "Happy Anniversary" na lang ang greetings.  Minsan hanap ng ako ng INC greetings sa NB para mabati ko naman sila ng "Happy Anniversary" di ba?

At isang malaking palaisipan pa rin sa marami kung ilan nga ba ang mga Iglesia ni Cristo. Lumalabas lang kasi ang estimate numbers nila sa tuwing sasapit ang election sa Pinas.  Biruin mo nakangangang nagmamakaawa ang mga pulitikong Pinoy sa kung sino ang babasbasan ni Ka Eduardo ng kanilang support?  Sa mga talunan sa election naku gagawin nila ang lahat para lamang hirangin sila ni Ka Eduardo ng kanilang support.

Pero hindi totoo ito. Naalala ko hindi naman namin sinunod si Ka Erdy noong sabihin niyang soportahan si Erap.  Bago pa man ipahayag ang pagsuporta kay Erap ni Ka Erdy convince na ang family ko na suportahan namin si Erap.  Ang sabi ng aking ama hindi naman daw itinakda ng Bible na masusunog ang aming kaluluwa kung hindi namin susundan si Ka Erdy.  Buti na lang at si Erap din ang sinuportahan ni Ka Erdy.  Bakit nga ba hinde eh halos lumalabas na si Erap ang mananalo sa buong surveys nito kahit na hindi pa mamagitan ang INC noon talagang malinaw na malinaw na si Erap nga ang lalabas na mananalo 3 months bago mismong election.

Kaya palaisipan pa rin kung ilan na nga ang mga Iglesia sa kasalukuyan? At totoo nga bang  ang Bloc Voting ang nagpapanalo sa mga kandidato? Ang totoo hindi lahat ng kaanib ng Iglesia ay naniniwala sa bloc voting na ito.

Kaya't ang tanong nag-iisip ay hindi natatangay ng agos ng kamangmangan at ang mga mangmang ay siyang nadadala sa agos ng kawalang-kaalaman sa totoong nangyayari sa loob ng Iglesia ni Manalo!

Thursday, 4 November 2010

Gaya-gaya Puto maya daw ang mga Iglesia ni Cristo, totoo kaya?

Deny to death ang mga ministro ng Iglesia ni Manalo at trying hard naman ang mga alipores nito kapag ang pinag-uusapan ay patungkol sa alegasyong copy cat daw ang Iglesia ni Cristo.

Ayon sa Felix Manalo and the Mormons sa blog na http://pasugo-1914.blogspot.com/2008/09/felix-manalo-and-mormons.html na napulot ko sa kase-search ng kanilang patulis na bahay-dalanginan may mga Mormon missionaries daw ang nagulat sa mistulang pagkakapareho ng kanilang templo sa templo ng mga Mornons. 

Ayon sa nasabing blog ang mga sumusunod ay mga copy-cat ng mga Iglesia ni Cristo sa mga Mormons:
  1. Architectural Design ng kanilang templo
  2. Pagkakaroon ng Ibong Mandaragit na nakaukit sa kanilang mga templo sa Central
  3. Ang katuruang Huling Propeta ni Joseph Smith at Huling Sugo naman kay Felix Manalo
  4. Lubos na pagkawala o pagkalipol ng tunay na Iglesiang tatag ni Cristo o Total Apostasy
  5. Si Smith at Manalo raw ay parehong hinulaan sa Biblia.
Ayon naman sa mga usap-usapang kanto, ang logo pala ng Iglesia ni Cristo ay puno ng mga simbolo.  Ayon sa isang blog na sinulat ng isang blog ng nagpakilalang Katoliko dito sa http://monkshobbit.wordpress.com/2009/09/04/iglesia-ni-cristo-inc-logo-christian-or-masonic-symbol/, ang kanilang logo ay copy-cat din.

Ito ang paglalahad ng nasabing blog kung ano ang pagpapakilanlan ng logo ng Iglesia ni Cristo.
  1. Ang interlaced square at compass ay nangangahulugan ng Freemasonry http://en.wikipedia.org/wiki/Freemasonry
  2. Ang koronang nasa gitna ay ngangahulugan ng Order of Amaranth, isang kapatiran ng mga master masons at ng kani-kanilang mga babaeng kaanib.  http://en.wikipedia.org/wiki/Order_of_the_Amaranth
  3. Ang compass, baliktad na tatsulok, at ang mga paa nito ay nangangaahulugan ng Order of the Eastern Star http://en.wikipedia.org/wiki/Order_of_the_Eastern_Star
  4. Ang mga aninag ng liwanag at ang backgroudn nito ay nangangahulugan ng dios na araw. http://en.wikipedia.org/wiki/Sun_God_Festival
  5. Ang kaliskis ng hustisya ay nangangahulugan ng Scales of Maat, isang diyus-diyusan sa Ehipto. Naniniwala ang mga Ehipsiyo na ang diyus-diyusan na ito ay dios ng karununga, katiwasayan at hustisya http://en.wikipedia.org/wiki/Maat
  6. Ang Biblia na napapaloob sa tatsulok at ng compass ay nangangahulugan ng paggamit ng biblia ng mga mason sa kanilang panunumpa bilang kaanig ng masonry. 
  7. Ang kalapati at kulay puti ay nangangahulugan ng busilak na puso at kawalang-malay, hango na rin sa mga katangiang iniaaral ng mga Katoliko sa kanilang doktrina. 
  8. Ang pula naman ay nangangahulugan ng katapangan, dugo o kaya'y Royal Arch Masonry http://en.wikipedia.org/wiki/Order_of_Mark_Master_Masons
  9. Ang kulay berde naman ay nangangahulugan ng spiritual initiation upang maging high mysteries of life and god
  10. Ang asul naman ay gumugunita sa dome of the heavens na nangangahulugan ng universal brotherhood and friendship
  11. Ang pabaliktad na tatsulok ay tumutoro sa ika-22 sinag na maaaring nagsi-simbulo ng ika-22 degree mason-Knight ng the Royal Axe. http://freemasonry101.org.uk/the_book/323-22nd_degree/22nd_degree.htm
Sa loob naman ng kanilang kapilya ang paghihiwalay ng babae sa lalaki ay hindi orihinal na konsepto ng Iglesia ni Cristo. Ito'y nagmula sa mga Muslim.  Sa loob ng mga mosque ang mga babae ay mahigpit na pinagbabawalang makihalubilo sa mga lalaki. Wala naman tayong makukuhang katibayan na si Ka Felix Manalo ay umanib din sa Islam. Kung sakaling ganon ay maaari nating isping dito niya kinopya ang konseptong ito. Sa katunayan ang konsepto ng paghihiwalay ng babae sa lalaki ay hindi maka-Kristiano dahil ang sabi ni Apostol Pablo sa aklat ng Galacia 3:28  na wala ng alipin, wala ng Griego at wala ng Hentil, wala ng babae o lalaki, lahat ay pantay-pantay sa mata ng Dios. Marahil sa mata ni Ka Felix Manalo nanaig pa rin ang pagtingin niya sa mga kababaihan ng may pagnanasa.  Ito rin kasi ang kanyang ikinatisod at napagsamantalahan niya si Rosita Trillanes at ng iba pang mga kababaihan sa kanyang kulto.
http://emilyjordan.wordpress.com/2009/03/05/felix-manalo-rapist-of-his-members-and-his-ministers-wives/

So ano kaya ang ipinagmamalaki ng mga kaanib ng Iglesia ni Manalo?  Ang isang copy-cat na aral o gusali o logo at maging mga tradisyon ay hindi dapat ipagmalaki kundi dapat ikinahihiya ito. Marahil ito nga ang dahilan kung bakit hindi talaga ako tumagal sa isang samahan na walang originality.

Monday, 1 November 2010

Maligayang Kaarawan kay Eduardo Manalo ng Iglesia ni Cristo

Kaarawan pala ni K Eduardo today. Salamat na lamang at naalala ko ang araw na ito mula sa blog entry na may pamagat na

Happy Birthday to Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo V. Manalo

Dito nakikita sa http://manilabalita.blogspot.com/2010/10/happy-birthday-to-iglesia-ni-cristo.html. Bahala na kayong mag-click sa link na 'yan.

Laking gulat ko na apo pala ni Ka Felix Manalo si Dorothy Manalo na kamakailan ay nabalitaang sumemplang sa Bar Exams. At dahil nga sa bumagsak nga itong apo ni Ka Felix Manalo sa di alam na  kadahilanan kaya't ginamit ng mga Manalo ang kanilang impluwensiya pero semplang din sila sa kanilang request sa Sandigan Bayan.

Isa pang balita. Gumagamit pala ng palakasan system itong mga nasa poder ng Iglesia ni Cristo. Biruin niyo yung mamamatay tao palang kamag-anak ng asawa ni Ka Erdy ay trying hard pa silang pagtakpan ito.  Heto 'yung link ng balitang yan: http://www.manilastandardtoday.com/2007/oct/29/business5.htm. Bahala na rin kayong mag-clik ng link na 'yan.

Ito na muna ang aking paunang blog kasi baguhan pa lamang ako dito.


Ang galing nga ng pagkakataon ano? Biruin mo habang ang mga pagano ay nagdiriwang ng Halloween saka isinilang si Ka Eduardo, na anak ni Ka Eraño na anak mismo ni Ka Felix Manalo sa kanyang pangalawang asawa. What a coincidence ano po?

Binabati ko lahat ng mga dati kong kasama sa kulto. Pakibati na lamang ako kay Ka Eduardo sa kanyang kaarawan. Wish ko lang na gumanda pa ang career na minana mo kay Ka Felix. Dahil siguradong darami pa ang maidadagdag sa inyong kaban.

Friday, 6 August 2010

Manalo ba o Ysagun?

Kailangang mapanuri di ba?

Alam niyo ba kung sino ang mga magulang ni Ka Felix Manalo? Nabanggit ba ng mga Ministro ng Iglesia ni Cristo kung anong pangalan at relihiyon ng mga magulang ng sugo? Eh 'yung mga kamag-anakan ng sugo naging Iglesia ba sila?  At marahil kapag nalaman niyong hindi nga sila kaanib ng Iglesia ng sugo ay magugulat kayo sa isa pang katotohanan na marahil ay hindi sasabihin sa inyo ng mga Ministro.

Ang mga magulang ni Ka Felix ay ang mga sumusunod: Ama : Mariano Ysagun; Ina: Bonifacia Manalo.  Natural dapat ang pangalan ng Sugo ay Felix M. Ysagun dahil ang apelyido ng kanyang ama ang dapat na masusunod sa pagpaparehistro ng pangalan niya.  Samakatuwid baga'y hayagang inalipusta ng sugo ang kanyang ama sa pagpapalit nito ng kanyang pangalan bilang Manalo at hindi Ysagun.

Tanong pa rin, Iglesia ba sila? Malayong hindi dahil ang sugo ay hindi pa sinusugo noong mamatay ang kaniyang mga Katolikong magulang. Eh yung mga kamag-anakan ng sugo, naging kaanib ba sila? Never.  At hindi ito binabanggit sa kahit anong talambuhay ng sugo dahil isang kahiya-hiyang katototohan ito sa buhay ng sugo kung bakit wala man lang sa kaniyang mga kadugo ang umanib sa kanyang kulto. 

Kung ganon bakit naman Manalo ang apelyido ni Ka Felix at hindi Ysagun ayon sa apelyido ng kanyang ama? Abah! Malay  natin. Siguro may lihim na galit itong sugo sa kanyang ama. O kaya'y may alitan sa pagitan ng sugo at ng kanyang ama. Dahil walang mabuting anak ang magtatakwil ng apelyido ng kanyang ina liban na lamang kung totoo ang aking pinaghihinalaan sa sugo.

Sabihin na natin na may galit nga ang sugo sa kanyang ama at ito ang naging dahilan ng kanyang pagpapalit ng apelyido. Ano kaya ang dahilan at magkakaroon ng hidwaan ang mag-ama? Marahil at hindi ko naman sinasabing may katibayan ako rito pero marahil nga ang sugo ay isang suwail at mapanibughong anak.  Marahil ay ang sugo ay isang "black sheep" ng angkang Ysagun.  Ibig bagang sabihin ay isa siyang alibughang anak na hindi marunong magpatawad at magmahal sa kanyang ama.

Kung hindi man totoo itong aking haka-haka ano may iba pa kayang dahilan kung bakit ang isang mabait na anak ay magtatakwil ng kanyang apelyido?

Kung inyong matatandaan si Angelina Jolie ay nagpalit ng kanyang apelyido dahil galit na galit siya sa kanyang biological father. At dahil sa galit ang nasa puso ni Agelina kaya itinakwil niya ang kanyang amang si John Voight sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanyang apelyido. Sa gayon hindi na bibitbitin ng Angelina ang pangalang kanyang kinamumuhian.

Ito rin kaya ang nangyari sa sugo at pinalitan niya ang apelyido niya? Makikipusta ako ng 101 por cientong ulit kung hindi nga totoo ito.  Ngayon sabihin man ng mga ministro ni Manalo na si Ka Felix ay may dalisay na puso, isang kalapastanganan at kasinungalingan ang sabihing dalisay ang isang taong nagtakwil sa kanyang ama at nanggahasa ng mga kaanib na babae. Isang karumal-dumal ang sasabihing banal at pantas ang isang taong wala man lang sa kalingkingan ng kabutihan ang naging ugali.

Heto't makikita niyo sa larawan sa baba kung ano ang tunay na itsura ng sugo bago pa man i-edit ng mga publishers ng Pasugo ang kanyang mukha. Sa totoong anyo, ang sugo ay butas butas ang mukha at maraming kulubot sa balat katibayang siya'y isinumpa. Pero sa edited photo makikita niyo sa baba na makinis ito at animoy anghel sa itsura. Anghel ba kamo? Oo nga pala nakalimutan kong Anghel nga pala ang sugo. Dapat lang na i-edit ang kanyang butas butas na mukha para lalabas na mala-artistahin ang dating. Pagdamutan niyo na lamang itong larawang nakuha ko sa internet.

Tunay na itsura ni Ka Felix Manalo

Edited na larawan ni Ka Felix Manalo gumuwapo at kuminis ang balat.
Kaawa-awa ang mga kaluluwa ng mga magulang ng sugo dahil namatay silang Katoliko. At para sa sugo ang mga Katoliko ay masusunog sa dagat-dagatang apoy dahil hindi sila binyagan sa Iglesia ni Cristong tatag ng sugo.  Hanggang sa kamatayan poot at galit ang namayani sa puso ng sugo maging ang kanyang mga magulang ay kanyang isinumpang masusunog sa dagat-dagatang apoy.  Sa gayon hindi kata-takang galit din ang naghahari sa puso ng bawat kaanib ng kanyang kulto.

Thursday, 29 July 2010

Nabinyagan ba ang Sugo sa kaniyang Iglesia? Never!

Maligayang Anibersaryo nga pala sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo.  Muntik ko nang makalimutan ang isa sa mga pinakamahalagang occasion sa loob ng Iglesia ni Cristo.  Liban sa kaarawan ng sugo, ang aniversary ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo ay isa sa mga selebrasyong pinakahihintay ng mga Iglesia.  Maihahalintulad ko ito sa Pasko at mga piesta ng mga Katoliko.  Pero siguro mas akmang sabihin nating parang Christmas ito sa mga Iglesia halo-halo na rin kasi may musikahan blues, may sayawan, may kantahan, may mga fireworks display sila. So siguro New Year na ring maituturing ng mga INC.

Naku, sino ba naman tayo para maging kontra-bida sa gusto nila ano?  Kanya-kanyang hilig lang yan mga tsong.  Kung hilig nilang mag-Christmas sa Julay 27, go go go na lang sila.  Tutal tandang-tanda ko pa na ang Christmas daw ng mga Katoliko ay mula sa pagano kaya hindi ito itinuturo at pinagbabawalan ang mga kaanib ng INC na magdiwang ng kapaskuhan.  Hindi raw pagano ang mga kaanib ng INC kaya wala kaming K para mag-enjoy sa araw ng Pasko.  Pero secretly kami'y nangangaroling din sa aming  kapitbahay dahil super duper ang dami ng pera. Sayang din naman ang kikitain naming 10 piso that time.

Pero hindi Christmas ang gusto kong tumbukin dito.  Ang gusto ko lang kasing malaman ay kung ano ang katuruan ng INC tungkol sa mga hindi binyagan sa Iglesia?  Ayon sa aking pagkaalam ang mga hindi nabinyagan sa INC ay walang magawa kundi ang masusunog sa dagat-dagatang apoy.  Sa takot kong masusunog sa dagat-dagatang apoy kaya ako'y naging Iglesia noon.  Imaginin mo nga buong Pacific Ocean ay isang impierno? Kakatakot di ba?

Kaya sa takot ayun naging INC ako. 
Hindi alam ng mga Ministro na itong topic na ito ay isang mainit na issue na pinag-uusapang sa bulung-bulungan.  Kung ang lahat ng di nabinyagan sa Iglesia ay masusunog sa dagat-dagatan apoy ano na kaya ang lagay ng kaluluwa ng Sugo? 

Bakit kaya naging bulung-bulungan ito sa loob ng Iglesia ni Cristo? Sapagkat alam ng lahat na hindi po nabinyagan ang sugo sa kanyang Iglesia. Kung magkagayon anong kalagayan ngayon ng sugo sa kabilang buhay? Siya ba'y nililitson na sa dagat-dagatang apoy? 

Heto ang sagot ng mga Ministro.  Si Ka Felix daw ay hindi na kailangang magpabinyag sa Iglesia ni Cristo sapagkat mismong ang pagsusugo raw sa kanya ay isang biyayang higit pa sa binyag.  Ibig sabihin ang kanyang pagkasugo ay garantisadong ligtas na siya sa kabilang buhay.  Ito raw kasi ay hinulaan at kapag hinulaan sa Biblia ay hindi raw mangyayaring mapapahamak siya.

Ipagpalagay na lang natin na siya ay maliligtas dahil siya ay isinugo raw ng Ama, ano naman ang kalagayan ng lahat ng mga namatay na tao mula 2000 BC hanggang 1914 AD? Sangkatutak na kaluluwa pala ang napahamak at tanging ang mga INC lang ang mapupunta sa langit. Anong silbi pala ng pagsusugo kay Moises at iba pang mga propeta kung ang plano pala ng Dios ay 1914 lamang maliligtas ang mga tao sa pamamagitan ng huling sugo?

Pero dahil hindi maaaring dayain ang karunungan ng Dios kaya lumalabas na si Ka Felix ay mali ang pagkasugo.  Kaya't kung pag-aaralan ang kanilang mga turo mas lumalabas na si Ka Felix ang hindi ligtas dahil siya ay nagsinungaling at inilagay niya sa kanyang balikat ang isang karangalang hindi dapat mapasakanya.  Ang sabi nga aklat ng Mateo 23:12 ang mga mayayabang ay ibabagsak at ang mga may kababaang loob ang siyang itataas. Nakaligtaang basahin ito ng sugo. Mag-isip isip na lang ang mga nag-iisip upang sila'y maligtas.