Pages

Monday 31 August 2009

Bakit daw itim ang blackground ko?

Magtataka ba kayo kung bakit itim naman ang kulay ng background ng blog ko? Sapagkat namatay ngayong araw na ito ang anak ng aming sugo, si Kapatid na Eraño Villanueva Manalo, mismong anak ng sugo ay pumanaw na.

Nagdadalamhati kasi ang buong kawan ng Iglesia sa pagkawala ng tinagurian nilang "taga-restore daw ng kadakilaan ng Iglesia ni Cristo".  Ang tanong, bakit nawala ba ang karangalan ng Iglesia ni Cristo at dapat nilang tingalain si Ka Erdy ng ganong parangal? Bah, dapat lang.  Mismong si Bro. Eli Soriano ang nagbigay ng malaking sakit sa ulo sa mga Ministro ng Iglesia sa programa ng "Ang Dating Daan". Dito kasi in-exposed ni Bro. Eli Soriano ang bulto-bultong kawalang-hiyaan ng Iglesia ni Cristo. Pinapalitaw lamang ni Bro. Eli Soriano na ang mga Manalo at ang kanilang Iglesia ni Cristo ay kulto at hindi relihiyon.

Sige magdalamhati kayo hangga't gusto niyo pero maraming tao ang nagsasaya sa pagkawala ng sumpa.  At dahil inaasahan nilang may milyon daw ang dadagsa sa Commonwealth Avenue para lamang kitain ang bangkay ng kanilang idolo ay titingnan na lang natin kung maging milyon nga ang dadagsa.  At bilangin natin mula sa mga dadalo sa kanyang lamay ang tunay at bilang ng kanilang kulto.

Ay oo nga pala, kaya pala itim ang kulay ng background ko ay dahil itim ang naghahari sa Iglesia habang patay ang anak ng sugo. No worries anak naman siya ng sugo at sigurado ko ligtas na siya sa langit. Makakapiling na niya ang kanyang ama sa dagat-dagatang apoy.

Nakikiramay ako.