Minsan akong nagawi sa isang site na may forum. Kung ika'y baguhan katulad ko, magugulat ka sa makikita mo roon dahil puro bangayan. Tapunan ng masasamang salita. Palitan ng akusasyon. Bastusan. Walang modo halos mga tao roon.
Iyon ang aking pakiwari. Bagama't masama mang banggitin pero bastos at walang modo ang mga nagtatanggol ng kulto ni Felix Manalo. Nakakahiya mang aminin pero ganito rin ako noong ako'y kaanib pa nila. Ang pinagtatanggol namin bilang mga Iglesia ni Cristo ay ang pangalang 'Iglesia ni Cristo' at at katauhan ni Ka Felix Manalo. Hindi kami papayag na mamasamain ng kahit ninoman ang pangalang Iglesia ni Cristo at ng katungkulang iniatas ng Dios sa kanyang huling sugo na si Kapatid na Felix Manalo.
Para sa isang lubos na sumasampalatayang Iglesia ni Cristo, ang pagiging kaanib ay isang dalisay na desisyon. At ang pangako ng kaligtasan ay halos katulad ng kayamanang hindi nauubos. At sa mga katuruan ng Iglesia ni Cristo, ang lahat ng hindi kaanib ng Iglesiang ito ay mapupunta at masusunod sa "dagat-dagatang apoy" na hindi namamatay.
Sino ba naman ang gustong masusunog sa dagat-dagatang apoy. Ang mapaso ka lamang ng patak ng kandila ay umaaray ka na, iyon pa kayang sinusunog ka sa "dagat-dagatang apoy"? Ito ang mga kadalasang panakot ng mga Ministro ni Manalo. At dahil karamihan sa mga baguhang kaanib na naakay nila ay mga 'brainwashed' marami sa kanila ang mga Katolikong walang kamuwang-muwang sa kanilang pananampalataya. Sinasabi sa kanila na kamuhian nila ang kanilang dating paniniwala at itakwil ang bawat doktrina ng Iglesia Katolika Apostolika Romana sapagkat ito raw ay hindi sa Dios kundi sa kasamaan.
Naroon ang paulit-ulit na sinasabing ang mga Katoliko raw ay nagsasamba sa mga diyus-diyosan na kinasusuklaman ng Dios sabay banggit ng sitas sa Bibliya na hango sa Exodu at Deuteronomia at Leviticus. Sa isang Katolikong walang muwang sa kanyang dating sinasampalatayanan, natural nakanganga siya habang hangang-hangang nakikinig sa pambobola ng Ministro.
Para sa isang walang muwang na Katoliko na hindi pa nakarinig ng katulad ng pagsasalita ng isang ministro ng Iglesia, ang mga ministro ng Iglesia ay mga dalubhasa sa Biblia at may angking karunungan. Pero hindi nila alam na nabe-brainwash na sila. Sa katunayan ang mga ministrong ito ay gumagamit ng piling-piling sitas ng Biblia upang ipakita sa mga walang muwang na mga Katoliko na Dios ang nangungusap sa kanila mula sa Biblia.
Matatandaan na hindi lahat ng bumabanggit ng Biblia ay galing sa Dios. Kung inyong matatandaan si Satanas mismo ay gumamit ng sitas ng Biblia dun sa Temptation of Christ. Kaya hindi pa rin ako sang-ayon sa mga ginagawang panloloko at pambobola ng mga ministro ng ni Ka Felix Manalo.
Kung talagang magagaling at matatalino ang mga ministro ni Ka Felix, bakit hanggang ngayon ay umiiwas sila lagi sa malakihang debateng hamon ng mga iba't ibang mga sekta sa Iglesia Protestante at sa mga nagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko? Sapagkat sila'y naduduwag at natatakot na baka sa kanilang konting kaalaman sa Biblia, sa Griego, Hebreo at Aramaic ay mangangamatis sila at mapupulutan sila ng kapintasan ng mga sumasaliksik ng kanilang mga mali-maling aral.
Ganon ang ginagawa nila sa mga walang kamuwang-muwang na mga Katoliko. Ito rin halos ang sinasabi ng mga dati kong kasama sa Iglesia.
Sa isang dako, ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na naaakay ang ang mga taong galit at may sama ng loob sa kanilang mga dating relihiyon. Narito ang mga galit kay Eliseo Soriano. Narito rin ang mga taong galit sa paring Katoliko. Galit sa mga obispo na nakikialam daw sa Estado. Yung mga galit sa mga Obispong Katoliko sa kanilang opposition sa same sex marriage, abortion, euthanasia, condoms, pills, at marami pang iba. At dahil nga sa naging kontrobersial ang isang papansin na tourist guide sa lungsod ng Maynila na nag-flash ng caption na "Damaso" sa Cathedral ng Maynila, agad siyang niyaya ng mga Iglesiang sumanib na sa kanilang pulutong.
Suma-total, halos ang mga kaanib sa kultong Iglesia ay mga taong may malaking galit sa puso. Kaya hind nakakapagtataka na sa mga forums lumalabas kung anong klaseng kaanib ang meron sa Iglesia ni Cristo.
Magmasid ka. Magbasa. At pansinin mo ang mga ginagawa ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo. Sila'y hindi marunong ng salitang mahinahon at pagpapakumbaba o pagmamahal. Puro sama ng loob, pang-aalipusta at panlalait ang ginagawa nila sa mga kumakalaban sa kanilang huling sugo at sa Iglesia.
Katulad ng nauna kong sinabi, ang mga Iglesia ay handang gumawa ng karumal-dumal na krimen maipagtanggol lamang ang Iglesia ni Cristo bilang samahan at si Ka Felix Manalo bilang huling sugo. At dahil medyo malalim ang pagsasaliksik ng mga kumakalaban sa Iglesia ni Cristo at ng may-ari nito, gumagamit ng dahas ang mga kaanib at palihim na gumagalaw at lumalaban. Katulad na lamang sa mga napaulat na pagmamalabis ng mga kaanib nito sa mga kasahaman ng Ang Dating Daan ni Bro. Eli Soriano.
Kristiano bang ituturing ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo? Malabo. Ni hindi ko naiisip at lalong di ko nadama ang katuruang Kristiano sa loob ng matagal na panahong naroon sa ko sa kanilang kulto. Hindi gawaing Kristiano ang manakit, manira at bastos sa kapwa. Hindi gawain ng Kristiano ang kawalang-disiplina sa pag-uugali. Oo, inaamin ko, ang mga Iglesia ay may disiplina sa loob ng kanilang mga kapilya. Hiwalay ang babae sa lalaki at may dress code ang bawat isang pumapasok. Pero sa labas ng kanilang kapilya, iyong masusumpungan ang tunay na kaanib ng Iglesia ni Cristo.
Sa kanilang 96 years ng pagkakatatag, magpangalan nga kayo ng kahit isang kaanib ng Iglesia ni Cristo na gumawa ng isang kapuri-puring gawa para masabi nating mga tunay na Kristiano sila? Wala. Maliban kay Ka Felix Manalo, Ka Eraño Manalo at si Ka Eduardo Manalo, walang mabuting kaanib kundi ang mga Manalo lamang.
Sabihin man nilang hindi nga tunay ang Iglesia Katolika pero halos lahat ng relihiyon sa mundo ay sumasaludo sa kabayanihan at kabanalan ng yumaong Teresa ng Kalkuta at isa ako sa mga hindi makapaniwalang tahimik na tagamasid sa pagkamatay ng Papa ng Katolika na sa Pope John Paul II halos dumagsa ang buong mamamayan ng Roma sa Vatican upang magdalamhati. At sa unang pagkakataon ang mga pinuno ng iba't-ibang bansa at iba't-ibang paniniwala o relihiyon ay naroon at nagbigay pugay sa taong para sa Iglesia ni Cristo ay ang anti-Cristo. Napapanood ito halos lahat ng tvnews at mga pahayagan at telebisyon sa Pilipinas. Tanging ang aming TV program lamang ang umiiwas na pag-usapan ito.
Mula noon, napagtanto kong hindi maaaring bulag ang sangkatauhan sa katotohanan. Ang pagpapatotoo ng mga dumalo sa funeral ng Papa ng Roma, bagamat hindi sila kaanib ng Iglesia Katolika ay isang malinaw na hudyat na ang Iglesia Katolika nga ay siyang tunay na Iglesia. Ito ang dahilan kung bakit kinakalaban ito ng Iglesia ni Cristo at ng mga ministro dahil alam nila sa kanlang pagmumuni-muni na ito nga ang tunay na Iglesia.
Kaya't sa mga dati kong kasamahan sa kulto ni Ka Felix Manalo? Itanong niyo nga sa sarili ninyo kung naging mabuti ba kayong kaanib sa Iglesia ni Cristo o kayo pa rin yung mga taong umanib sa Iglesia sapagkat wala kayong alam sa inyong dating paniniwala o kayo ay galit sa inyong mga pastor, ministro o pari?
Kung ang tanging dahilan kung bakit umanib kayo sa Iglesia ni Manalo ay sa inyong kamangmangan at walang interes sa relihiyon, o kaya'y punung-puno kayo ng galit sa inyong puso kaya bilang paghihiganti ay umanib kayo sa Iglesia ni Cristo kay Felix Manalo, may panahon pa para magsaliksik at hanapin ang liwanag sa labas ng Iglesia ni Cristo. Dahil sa kabuuan ang Iglesia ni Cristo ay tatag ni Felix
Sa mga kasamahan ko sa Ang Dating Daan na nasa kulto pa ni Manalo, bumalik na kayo at maging mabubuting mananampalataya. Sa mga dating Katoliko na mangmang sa kanilang paniniwala, magsaliksik kayo at lisanin niyo agad ang Iglesia ni Cristo dahil mapapahamak lamang ang inyong kaluluwa.
Mapagmasid. Mapanuri. Mapanaliksik. Mapagmahal. Maka-Dios. Mahinahon. Matalino at Mapayapa sa puso. Ito ang mga katangiang wala sa tinuturo sa mga mga kaanib ng Iglesia ni Cristo kahit basahin mo pa ang Fundamental Beliefs of the Iglesia ni Cristo.